161 pulis, nag-positibo sa paggamit ng drugs

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Kinumpirma nang PNP na ngayon ay umaabot na sa 161 na mga kagawad ng PNP ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Ayon kay PNP Directorate for Investigation and Detective Management Executive Officer Sr. Supt. Faustino Manzanilla, umaabot na sa mahigit sa 150,000 na mga PNP personnel ang isinalang sa drug test mula July 1 hanggang October 4 kung saan 161 ang bumagsak sa confirmatory test.

Paliwanag ni Manzanilla, ni-relieve sa pwesto ang nabanggit na 161 na mga pulis para hindi na makaimpluensya sa imbestigasyon.

Susundan naman nila ito ng pagsasampa ng kasong administratibo para tuluyang nang masibak ang mga adik na pulis sa serbisyo

positibo

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...