25 kilo ng Cocaine Nasabat sa NAIA

share it with everyone
Share on Facebook163Tweet about this on Twitter

Umaabot sa 25 kilo ng powdered cocaine at 2.5 kilos ng liquid cocaoine ang nakuha sa bagahe ng tatlong dayuhan na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kaninang hapon.

Sa ulat ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Sid Lapeña, galing sa Rio Brazil via Dubai ang mga nahuling suspek na kinabibilangan ng dalawang Hongkong nationals at isang Russian.

Sakay ng Emirates flight EK 332 ang mga suspek.

cocaine

Unang inaresto sina Chan Kawai at Pau Homanevan na pawang mga Hongkong nationals.

Nadiskubreng nakasilid sa lining ng kanilang mga maleta ang halos ay 19 kilos ng powdered cocaine.

Paglabas sa paliparan ay kaagad ding inaresto ang Russian na si Kirdyushin Yury kung saan nakuha naman na nakasilid sa loob ng kanyang mga maleta ang 7.4 kilogram ng powered cocaine at 2.5 kilos ng liquid cocaine.

Nauna dito ay nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng PDEA hingil sa nasabing shipment ng droga kaya mabilis naman silang nakipag-ugnayan sa pamunuan ng Manila International Aiport Authority at Bureau of Customs.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng PDEA ang mga nahuling suspek at ang mga nasabat na droga.

Inaalam ng mga otoridad kung may kaugnayan ito sa kaso ni Jonjon Villamin na nahulihan ng mahigit sa apat na kilo ng cocaine sa NAIA Terminal 3 kamakalawa.

Si Villamin ay sakay din ng isang Emirates Flight at nanggaling din sa Brazil.

share it with everyone
Share on Facebook163Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...