2,500 Sundalo, ipinakalat Ngayon Para Ubusin ang Abu Sayyaf

share it with everyone
Share on Facebook4.1kTweet about this on Twitter

Nagpadala na ang Department of National Defense (DND) ng limang batalyon o dalawang libo at limang daang sundalo sa Sulu.

Ito ay para tugusin na ang maliligayang araw ng bandidong Abu Sayyaf Group. Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, nakalulungkot na nalagasan ang pamahalaan ng labinglimang sundalo matapos makipagbakbakan sa ASG.

Sa ngayon ayon kay Abella, pursigido ang pangulo na pulbusin ang bandidong grupo.

sundalo

Samantala, ipinag-utos naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of Staff Gen. Ricardo Visaya ang pagtitiyak na hindi makalabas ng Sulu ang mga bandidong ASG.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command (Wesmincom) spokesperson Maj. Felimon Tan, ngayong araw nakatakdang dalhin sa Zamboanga City ang mga bangkay ng 15 sundalo na napatay sa bakbakan sa Sulu.

Kabilang sa casualties ng militar ang isang opisyal habang nasa 10 sundalo din ang sugatan sa nasabing engkwentro.

Nakasagupa kahapon ng hapon ng mga operating troops ng 35th at 21st Infantry Battalion ang nasa 120 miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa pamumuno ni ASG leader Radulan Sahiron.

Mensahe naman ni Visaya sa kaniyang mga tropa sa Sulu, panatilihin ang focus hanggang sa ma-pressure ang mga bandido at tuluyan na itong mapulbos.

kp

share it with everyone
Share on Facebook4.1kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...