27 local Narco Officials Papangalanan ngayong Gabi or Bukas ni Duterte

share it with everyone
Share on Facebook715Tweet about this on Twitter

Nakatakdang magbunyag ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng panibagong listahan ng mga lokal na opisyal na sangkot umano sa illegal drug trade sa ating bansa.

Ayon pa kay presidential legal counsel Salvador Panelo, aabot umano sa dalawampu’t pitong lokal na opisyal na sangkot sa ilegal na droga ang nakatakdang pangalanan ng ating pangulo, base sa intelligence reports.

Posible ibunyag ni Duterte ang pangalan ng mga ito ngayong gabi o bukas, araw ng Miyerkules.

narco

Sinabi rin ni Panelo na magugulat ang lahat sa papangalanan ng pangulo na pawang mga opisyal mula sa ilang probinsya at galing sa prominenteng pamilya.

Ang ilan pa aniya sa mga ito ay personal na kakilala ni Duterte ngunit sinabi ng pangulo na isasantabi niya ito at gagawin ang kanyang trabaho.

kp

share it with everyone
Share on Facebook715Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...