50 Porsyentong kaso ng droga sa bansa Ibinasura?

share it with everyone
Share on Facebook64Tweet about this on Twitter

Inabswelto ng mga korte sa ating bansa ang kalahati o 50 percent ng mga drug-related cases sa nakalipas na labing- apat na taon.

Ito ang lumabas sa report ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Isidro Lapeña sa House Committee on Dangerous Drug na pinamumunuan ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers.

kaso

Ayon kay Lapeña, mula 2002 hanggang 2016 ay aabot sa 23,776 ang kabuuang kasong isinampa ng PDEA, Philippine National Police, National Bureau of Investigation at iba pang law enforcement agencies.

Pinakamarami ang nasampahan ng kaso ng PNP na umaabot sa 20,425, gayunman nasa 10,380 o 51 percent ay inabswelto o acquitted ang mga suspek; 5,574 o 27 percent ay dismissed; at 4,471 o 22 percent ang nakulong.

Sa panig naman ng PDEA, 1,984 na drug suspects ang nasampahan ng kaso pero 502 o 26 percent ang nahatulan ng korte; 837 o 42 percent ang dismissed ang kaso; at 645 o 32 percent ang acquitted.

Ang NBI naman ay mayroong 128 na kinasuhan, kung saan 56 ay convicted; 38 ang dismisse ang kaso at 34 ang inabswleto ng korte.

Ang iba pang ahensya ay may 728 na naisampang kaso pero 163 lamang dito ay nahatulan; 204 ang dismissed at 361 ang acquitted dahil sa iba’t ibang kadahilan tulad ng hindi pagsipot ng mga pulis na may hawak ng kaso sa court hearing at hindi matibay ang ebidensya.

Nabahala naman si Barbers sa naturang report, kaya nais nito na patawan ng parusa ang mga pulis na gagawa ng mga ebidensyang sablay o kaya ay hindi sinisipot ang mga court hearing sa mga susunod na panahon.

kp

share it with everyone
Share on Facebook64Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...