“8888 at 911″ Hotline Pwede Na Gamitin ng Publiko sa Agosto

share it with everyone
Share on Facebook12kTweet about this on Twitter

Ito ngayon ang kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary  Martin Andanar na magiging fully operational na umano sa susunod na buwan ang Citizen Hotline 8888 at ang 911 Nationwide Emergency Response Center.

Sa huling panayam, ipinaliwanag ni Andanar na ang “8888” hotline ay magsisilbing sumbungan ng mamamayan ng mga tiwaling opisyal at mga tauhan ng pamahalaan.

Pwede ring idulog sa nasabing hotline ang mga hindi naaaksiyunang proyekto ng gobyerno pati ang mga umaabuso sa kani-kanilang mga kasalukuyang posisyon.

hotline

Nauna nang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niya itong 24-hour ang nasabing hotline na tatauhan ng mga opisyal ng Presidential Action Center (PACE) para mas maging mabilis ang pagtugon sa reklamo ng publiko.

Pero babala ni Duterte na dapat ay mga totoong reklamo lamang ang ipararating sa hotline dahil mananagot sa kanya ang sinumang gagawa lamang ng kwento para ididiin ang isang partikular na tauhan ng pamahalaan.

Ang 911 hotline naman ang ipapalit sa 117 na umaani ng batikos dahil sa mabagal na pagtugon ng mga call center operators.

Sinabi din ni Andanar na naging epektibo ang 911 sa Davao City para mabilis na responde ng mga pulis, bumbero at medical personnel at ito umano ang gustong gawin ni Duterte sa buong bansa.

kp

share it with everyone
Share on Facebook12kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...