AFP Tiniyak na Sapat ang Kanilang supplies para Durugin ang Abu Sayyaf

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may sapat na firepower capabilities ang kanilang tropa na nakadeploy sa Sulu panlaban sa bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla, may kaukulang air at naval support ang kanilang operating troops na tumutugis sa bandidong grupo sa Basilan at Sulu.

Military Supplies

Ani Padilla, sa ngayon ay may kabuuang limang libong sundalo na nakadeploy sa Sulu habang may kabuuang daalawang libo naman ang tropa sa Basilan.

Kahapon dumating ang 63rd Infantry Batallion ng Philippine Army sa Sulu bilang augmentation force para tumulong sa pinaigting na operasyon ng militar sa ASG.

Ang 63rd Infantry Battalion ay field unit ng 8th Infantry Division na nakabase sa Catbalogan, Samar.

Sa ngayon, ani Padilla walang nagaganap na mga bakbakan bagama’t nagpapatuloy umano ang pambobomba ng militar sa posisyon ng mga bandido.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...