Aguirre kay Sen. De Lima: ‘Umamin ka na kasi’

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Umamin ka na kasi’.Ito ang naging bwelta ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay senador Leila de Lima sa hamon ni pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin na siya para matapos na ang kontrobersiya sa pagkakadawit sa kanya sa operasyon ng ilegal na droga.

Sa press briefing sa NAIA Terminal 2, sinabi ni Aguirre na ang tanging pag-amin lamang ni De lima ang magbibigay tuldok sa kontrobersiya.

Payo pa ni Aguirre kay De Lima, huwag maging hysterical.

Umamin

Sinabi ni Aguirre na kailanman ay hindi nila napag-usapan ng pangulong Rodrigo Duterte na idiin si De Lima sa operasyon ng ilegal na droga.

Hindi aniya dapat na iligaw ni De Lima ang atensyon ng tao at pagbalingan pati ang kanyang peluka.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...