Anak ng mga Sundalo Bibigyan ng Libreng Edukasyon ni Duterte

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Bukod pa sa dobleng pasweldo na plano ng pangulo sa mga sundalo, may libre din na edukasyon ng kanilang mga anak. Ito ngayon ang  ipinangako ng Pangulo matapos niyang bisitahin ang sugatang sundalo sa V. Luna Hospital Quezon City.

Ayon pa sa ating pangulo, ang libreng edukasyon sa mga anak ng sundalo ang isa sa mga bukod-tanging sukli ng Pilipinas para sa mga nagsisilbi sa kanyang bayan.

libreng

“Anyway, one of the things that you will have in the fullness of God’s time and si Allah is ‘yung program ninyo, mga anak ninyo, libre na ang edukasyon [applause]. Iyan ang ipinangako ko noon at gagawin kong totoo, hindi ako nangangako ng pabola-bola diyan,” pangako ng pangulo.

Gayunman, hindi idinetalye ng pangulo kung mula elementrya ba hanggang kolehiyo, at kung pribado o pampublikong eskwelahan ba ang nasabing alok na libreng edukasyon ng pangulo.

Hindi rin tinukoy ni Duterte kung kailan ipatutupad ang panibagong pangako sa ating mga kasundalohan.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...