Aprubado na ni Duterte ang “Ambisyon Natin 2040″

share it with everyone
Share on Facebook107Tweet about this on Twitter

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order number 5 na kilala sa tawag na “Ambisyon Natin 2040”. Laman ng plano ang 25-year long-term anti-poverty at anti-hunger programs ng National Economic Development Authority (NEDA).

Ipinaliwanag ng pangulo na target ng programa na maitaas ng triple ang kasalukuyang real per capita income ng sambayanan.

ambition

Hinati ang proyekto sa apat na Philippine Development Plans na nauna nang binalangkas at pinag-aralan ng mga economic managers ng pangulo.

Bukod sa mas maayos na buhay sa hinaharap, sinabi ni Duterte na target ng kanyang administrasyon na simulan ang kampanya para mabawasan ang bilang ng mga mamamayan na maituturing na mahirap sa bansa.

Mula sa pagiging “poor” base sa mga inilatag na panuntunan ng NEDA, sinabi ng pangulo na gagawin nila “middle class” ang karamihan sa mga kasama sa marginalized sector ayon sa mga nakapaloob na programa sa “Ambisyon Natin 2040”.

Kasabay nito ay umapela si Duterte sa mga business leaders ng dagdag pang suporta para sa mga poverty alleviation program ng kanyang administrasyon.

share it with everyone
Share on Facebook107Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...