Artistang Sangkot sa Droga, Pinasusuko

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Hindi kumbinsido si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa apela ng aktor na si Robin Padilla kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag muna pangalanan ang mga artistang gumagamit ng ilegal na droga.

Ayon kay Bato, kung susundin si Padilla, magmumukhang hindi umano patas sa lahat ang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

artistang

Paliwanag pa ni dela Rosa, magmumukhang may pinipili ang PNP kung itatago ang pagkakakilanlan ng mga artistang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Giit pa niya mayroong ahensya ng gobyerno na may hawak na ngayon ng listahan ng mga artistang gumagamit at sangkot sa iligal na droga. Kaya payo ni Bato sa mga artistang gumagamit ng iligal na droga, magkusa nang sumuko sa mga pulis.

Samantala, kinumpirma naman ni Bato na mayroon na umanong mga artistang tumatawag sa kanya ngayon at nais mag pa drug test sa harap niya mismo para patunayan na wala silang kinalaman sa iligal na droga.
Tags: Illegal Drugs, PNP, PNP Chief Ronald Bato dela Rosa

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...