ASG Nagbanta sa Kapatid ng Kanilang pinugutan ng Ulo

share it with everyone
Share on Facebook615Tweet about this on Twitter

Matinding takot pa rin ang narararamdaman ng pamilya ng 18-anyos na kidnap victim na si Patrick James Almodovar na pinugutan sa Sulu.

Ito ay dahil umano sa panibagong banta ng Abu Sayyaf na dudukutin din nila ang kapatid na babae ng biktima.

Dahil dito, nilisan na ng pamilya Almodovar ang kanilang tahanan sa tahanan sa bayan ng Jolo para maiwasang mabiktimang muli ng mga kidnapper.

ASG

Nabatid na kahit napatay na ng mga bandido ang biktima galit pa rin ang mga ito dahil hindi nila nakuha ang halagang P1 milyon ransom demand sana para sa mga biktima.

Humingi na rin ng tulong sa otoridad ang pamilya Almodovar para sa kanilang kaligtasan.

Sa ngayon ay nakahimlay na sa isang punerarya sa Zamboanga City ang labi ng biktima matapos marekober ang kanyang pugot na katawan nitong nakaraang araw sa Barangay Liyu Bangkay sa Patikul.

Una na ring narekober ng mga pulis ang kanyang ulo sa isang lugar sa munisipyo naman ng Indanan noong gabi ng Miyerkules, ilang oras matapos siyang pugutan ng ulo ng Abu Sayyaf.

Napag-alaman na sa darating na Martes ay ililibing na ang labi ng biktima sa isang pribadong punerarya sa Zamboanga City.

Umaasa pa rin ang pamilya at mga kaanak ng biktima na makuha nila ang hustisya para sa kanilang mahal sa buhay.

kp

share it with everyone
Share on Facebook615Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...