‘Binay Posibleng Unang ‘Big Fish’ Na Maipapakulong Sa Duterte Admin’

share it with everyone
Share on Facebook17Tweet about this on Twitter

Malaki umano ang posibilidad na si Vice President Jejomar Binay ang unang “big fish” na makukulong sa ilalim ng administrasyon ni Davao city Mayor Rodrigo Duterte sakaling ito ang maging pangulong bansa.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, presidente ng PDP-Laban, ito umanoay dahil sa mga matibay na ebedensya ng katiwalian laban sa pangalawang pangulo noong ito ay alkalde pa ng Makati.

video from YouTube User kapinoy

Ang pahayag ni Pimentel, ay kasunod sa pagpapalabas ng video ni Binay sa kanyang Facebook account na naghihimok sa mamayang Pilipinong botante na huwag iboto ang alkalde dahil sa mga pagpatay nito at ibang pang aksyon na labag sa batas.

Giit naman ng senador, totoong hahabulin ni Duterte at mga kriminal at corrupt public officials sa kahit anung social status o political affiliation, taliwas sa pinagdidiinan ni Binay na tanging mahihirap na kababayan lamang ang ipinapakulong nito.

share it with everyone
Share on Facebook17Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...