Brgy. Captain Hanggang Gobernadoer Kasabwat n g Abu Sayyaf

share it with everyone
Share on Facebook4.4kTweet about this on Twitter

Ito ang inamin ngayon ni incoming Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Lt. Gen. Ricardo Visaya. Ayon pa sa kanya, may mga opisyal ng mga Local Government Units o LGU’s na kasabwat ng grupong Abu Sayyaf.

Ayon pa kay Visaya, may naririnig siya noon pa hinggil sa pakikipagsabwatan ng local na opisyal sa bandidong grupo.

Pero aminado ngayon si Visaya na mahirap papanagutin ang mga itinuturong mga namumuno sa mga lokal na pamahalaan na nakikipagsabwatan sa mga bandidong grupo dahil pagdating anya sa korte ay wala nang gustong tumestigo sa takot na malagay sa panganib ang kanilang buhay.

abu sayyaf

Tiniyak naman ni Visaya na pag-upo niya bilang chief of staff, ang isyong ito sa Sulu ay tututukan niya, Basilan at ibang lugar kung saan naroroon ang pwersa ng bandidong Abu sayyaf.

Bibisitahin din niya ng personal ang mga sundalo para makita ang tunay nilang sitwasyon at ongoing military operations at hindi tanggap lang ng tanggap ng report o briefing.

kp

share it with everyone
Share on Facebook4.4kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...