Colangco-Bilibid Maximum security compound parang “Roxas Boulevard”

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Inihayag ng convicted druglord at crime leader na si Herbert “Ampang” Colangco na si dating Justice Usec. Francisco Baraan at isang nagngangalang “Susan” ang kanyang binabayaran sa ilang mga iligal na transaksyon sa DOJ.

“Kapag may mga Chinese na gusto nilang makasama ang kanilang mga tauhan sa loob ng kanilang grupo ako ang nag-aayos para mailipat sa gusto nilang selda sa loob ng Bilibid”, pahayag ni Colangco sa pagdinig ng Kongreso.

Dagdag pa ni Colangco, “ang maximum security compound po ay parang Roxas Boulevard, kahit walang dalaw may mga babae akong ibinebenta sa loob”.

Boulevard

Sinabi pa ni Colangco na nagawa niyang makapagpatayo ng magagandang mga kubol na parang hotel na siyang nagsisilbing pribadong silid ng mga ipinapasok niyang babae sa New Bilibid Prisons (NBP).

Iyun daw ang dahilan kaya mas marami ang gustong makulong sa maximum security compound dahil mistulan itong “Las Vegas” sa dami ng bisyo na umiikot dito.

Wala umanong pumipigil sa kanilang gawain dahil tumatanggap sa kanya ng P1.2 Million kada buwan si dating NBP Director Franklin Bucayu.

Nagaganap umano ang bayaran sa pamamagitan nina Bucayu at ng talent manager ni Colangco na si Reynante Diaz at kadalasan umanong nangyayari ito sa isang fastfood chain.

Ginawa umano ang lahat ng mga ito para hindi siya maalis sa kanyang pwesto bilang Chairman ng carcel side na namumuno sa mga hanay ng mga kriminal kabilang na ang ilang mga Chinese drug lord.

Masama umano ang kanyang loob kay de Lima dahil sa kabila ng kanyang buwanang P3 Million na lagay ay inilipat pa rin siya ng kulungan sa National Bureau of Investigation.

Noong mga panahong iyun anya sinolo ni Jaybee Sebastian ang drug operations sa loob ng NBP.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...