COMELEAK, Pormal ng Inireklamo ng Isang Privacy Expert

share it with everyone
Share on Facebook2.8kTweet about this on Twitter

Tuluyan nang ipinagharap ng reklamo ng isang privacy expert at ang dating national statistician na si Comelec Chairman Andres Bautista kaugnay na binansagang “Comeleak.”

Ang administratibong reklamo ay inihain kamakailan ni Dr. Jose Ramon Albert, isang senior research fellow sa Philippine Institute for Devt. Studies, laban kay Chairman Bautista sa National Privacy Commission dahil sa paglabag nito sa Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012.

Comeleak

comeleak

According to the 11 pages complaint affidavit, partikular umanong nilabag ng Comelec ang Section 20 at Section 21 ng batas na may kinalaman sa pagtiyak ng seguridad sa personal information at principle of accountability.

Nalantad umano sa mga hacker ang profile ng mga botante nang dahil sa kabiguan ng Comelec na tiyaking may sapat na seguridad ang kanilang website.

Iginiit pa ng complainant na dapat mapatawan ng administratibong pananagutan ang mga opisyal na responsable nangyaring hacking.

Kaugnay nito, hiniling ni Albert sa National Privacy Commission na atasan nito ang Comelec na ideklara ang lahat ng mga naapektuhang data ng website kabilang na ang pagtukoy lahat ng mga rehistradong botante na ang personal na impormasyon ay naisapubliko.

Ang Comeleak ay may kinalaman sa na-leak na voters data mula sa nahack na website ng Comelec nuong Marso kung saan ang impormasyon ay nalathala sa We Have Your Data Website.

kp

share it with everyone
Share on Facebook2.8kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...