Conor McGregor Wagi sa Huling Rematch ni Nate Diaz sa UFC 202

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Panalo si UFC featherweight champion Conor McGregor sa rematch nila ng katunggaling si Nate Diaz kasunod ng majority decision sa UFC 202 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Sa unang round pa lamang ng laban ay nagpakawala na ng malalakas na suntok si McGregor dahilan para mapagbagsak agad nito si Diaz.

conor

Hindi naman nagpatalo si Diaz sa kalagitnaan ng laban dahilan para makabawi ito sa Irish superstar.

Ngunit sa huling round ay ibinuhos ni McGregor ang kanyang buong lakas at muli nitong napabagsak si Diaz.

Makalipas ang limang round, inilabas na ng mga hurado ang scorecards na nagsasabing wagi si McGregor kontra kay Diaz.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...