Dagdag lupa sa Hacienda Luisita Ipapamahagi ng DAR

share it with everyone
Share on Facebook473Tweet about this on Twitter

Nilagdaan na ni Secretary Rafael Mariano ng Department of Agrarian Reform ang direktibang magsusulong ng pamamahagi ng karagdagang 358.22 ektarya ng lupain na nasa loob ng Hacienda Luisita sa mga manggagawa nito.

Una nang na-exempt ang Hacienda Luisita na naka-rehistro sa Tarlac Development Corp. (Tadeco) ng mga Cojuangco sa Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.

hacienda

Ang naturang 358 ektarya na pag-aari ng Tadeco ay bukod pa sa 4,915 ektarya na ipinag-utos ng Korte Suprema na ipamahagi sa mga magsasaka noong 2011.

Una nang iginiit ng Tadeco sa DAR na hindi ‘agricultural land’ ang naturang lupain.

Sa direktiba ni Mariano, ipinag-utos nito sa provincial office ng Tarlac na agad na ipatupad ang ‘land acquisition’ at pamimigay ng lupain.

Gayunman, kung nanaisin aniya ng Tadeco na maghain ng apela sa korte ay maari naman itong gawin.

Ngunit habang wala aniyang Temporary Restraining Order mula sa Korte Suprema ay tuloy ang proseso ng pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka.

kp

share it with everyone
Share on Facebook473Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...