Dalawang Chinese Drug lord Bulagta

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Dalawang Chinese ang natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar, sa Maynila linggo ng madaling-araw.

Unang nadiskubre ang isang Chinese looking guy alas 3:30 madaling araw ang lalaking inilarawan sa edad 30-35, may taas 5’4 at nakasuot ng maong na pantalon, itim na t-shirt at kulay gray na med­yas, sa Zamora Interlink Bridge, Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa  huling ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, nakarinig ng putok ang ilang residente sa nasabing lugar at nakita na lamang nila ang bangkay ng lalaki na may karatula na “Chinese drug lord ako” at anim na basyo ng bala mula 9mm baril ang narekober sa crime scene.

Chinese

Matatandaang Hunyo 2, 2016 lamang ay isang SUV na inabandona din sa Zamora Interlink Bridge ang nakuhanan ng P50-milyong halaga ng illegal na shabu nang busisiin ng mga elemento ng Manila Police District (MPD)

Samantala, isa ding  Chinese looking na babae na nasa edad 25-30, may taas 5’3, maputi, nakasuot ng kulay asul na stripe t-shirt, maong na pantalon at pink na sapatos ang natagpuang duguan at walang buhay dakong alas 4 ng madaling-araw. May karatula din sa tabi nito na may nakasulat na “Chinese drug lord”.

Nakabulagta sa Plaza Mexico, malapit sa Fer-ry station sa likod lamang ng ng Immigration office sa Intramuros, Maynila.

May teorya na ang da-lawa ay posibleng magkasama na itinapon sa magkahiwalay na lugar.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...