Dalawang Drug Pushers Napatay

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Patay ang dalawang pinaniniwalaang drug pushers makaraan silang makipag-barilan sa mga tauhan ng Tarlac City Police Station kaninang umaga.

dalawang

Sinabi ni Tarlac Provincial Police Office Director S/Supt Alex Sintin na tinangkang lusutan ng hindi pa rin nakikilalang dalawang suspects na sakay ng isang motorsiklo ang isang police checkpoint sa lungsod.

Nang sila’y habulin ng mga pulis ay kaagad na nagpaputok ng baril ang isa sa mga suspect na siyang naging dahilan ng barilan.

Makalipas ang ilang sandali ay napatay ang dalawang suspect kung saan nabawi mula sa kanilang ang ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang Cal. 38 na baril.

Inaalam pa rin ng mga otoridad kung saang grupo kabilang ang mga napatay na suspects.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...