Dating mga officials ng DOJ at kasapi ng religious organization, sangkot sa anomalya sa bilibid

share it with everyone
Share on Facebook1.1kTweet about this on Twitter

Ilang dating matataas umanong mga opisyal ng Department of Justice o DOJ at mga religious workers ang kabilang sa mga iniimbestigahan kaugnay sa umano ay kanilang pagkakasangkot sa mga anomalya sa New Bilibid Prisons.

Sa huling press briefing, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ilang mga testigo ang nakausap nila at nagsumbong na hinggil sa pagkakasangkot ng dalawang dating mataas na opisyal ng DOJ sa mga ilegal na gawin sa Bilibid.

sangkot

Partikular ngayon na isinumbong ang pagtanggap ng suhol ng opisyal na sangkot ng DOJ mula sa mga drug lords ng  NBP para maprotektahan umano sila sa kanilang mga aktibidad sa lugar.

Tumanggi naman ngayong magpangalan si si Aguirre o tukuyin ang posisyon ng sangkot na ex-DOJ officials dahil nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon.

Maliban sa dating DOJ officials, sinabi ni Aguirre na nakatanggap din sila ng sumbong na may mga kinatawan din na mula sa religious organization ang nagpapasok ng kontrabando at prostitute sa bilibid.

Ayon kay Aguirre, ang sumbong ay mula sa mga matitinong jail guards na nagtutungo at lumalapit na mis mo sa tanggapan ng DOJ para magbigay ng impormasyon.

Simula nang mag-umpisa ang mga tauhan ng Special Action Force sa pagbabantay sa NBP, nakasabat na ang mga ito ng maraming bawal na kagamitan gaya ng cellphones, drugs, matutulis na bagay, armas at mga telebisyon.

Ang nasa 162 na cellphones aniya na nakumpiska ay sumasailalim na sa forensic examination.

kp

share it with everyone
Share on Facebook1.1kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...