De Lima kay President Duterte: “Arrest me now”

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Arestuhin mo na at ako at ipakulong kung iyan ang gusto mo! Ito ang hamon ni Senator Leila De Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte sa aniya ay patuloy na panggigipit sa kaniya ng administrasyon.

Galit at umiiyak na humarap sa media si De Lima, na hindi napigilang sumigaw habang nanginginig ang boses sagalit. Ani De Lima, maari nang gawin ni Duterte ang nais niya at hihintayin niya ang magiging hakbang nito.

“Arrest me now, jail me now if that’s what you want! I’m here, do what you want to me Mr. President. I’ll wait for you!,” galit na paghahamon ni De Lima.

Lalo pang ikinainis ni De Lima na tila ikinakabit na naman sa kaniyang pangalan ang riot na naganap sa Bilibid na ikinasawi ng isang convicted crime lord at ikinasugaw ng iba pang high-profile inmates.

video from YouTube User TrendPh

Ani De Lima, hindi siya naniniwalang riot ang naganap sa Building 14 kung saan naroroon ang tinaguriang “Bilibid 19”.

Matagal na kasi aniya siyang nakatatanggap ng impormasyon na isinasailalim sa matinding torture ang mga high-profile inmates na ayaw tumestigo laban sa kaniya.

Dagdag pa ng senadora, hindi imposible na ang sinasabing “riot” ay paraan ng administrasyon para parusahan ang mga preso na ayaw tumestigo laban kay De Lima.

Ani De Lima, sina Tony Co na nasawi sa riot at si Peter Co at Jaybee Sebastian na kabilang sa mga nasugatan ay pawang nauna nang hinikayat na tumestigo laban sa kaniya.

Sinabi ni De Lima na sa kabila ng nararanasan niyang matinding panggigipit, hinding-hindi siya aalis ng bansa.

Bahala na aniya si Duterte kung ano pang nais nitong gawin sa kaniya.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...