De Lima, at limang iba pa, Isinailalim na sa Lookout Bulletin ng DOJ

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Nagpalabas ng lookout bulletin ang Department of Justice (DOJ) laban kay Senator Leila De Lima at limang iba na inaakusahang may kaugnayan sa laganap na drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

Maliban kay De Lima, kabilang din sa isinailalim sa lookout bulletin sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Jesus Bucayu, Presidential Security Group (PSG) member Joenel Sanchez, dating Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Reginald Villasanta at ang dating driver ni De Lima na si Ronnie Dayan.

DOJ

Sa dalawang pahinang kautusan na nilagdaan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, sinabi nitong inilabas ang lookout bulletin laban sa anim, base sa kahilingan ng National Bureau of Investigation (NBI) at dahil sa mayroong posibilidad na takasan nila ang legal process.

Inatasan ang lahat ng immigration officers na imonitor nang mabuti ang biyahe ng anim partikular kung magtatangka silang lumabas ng bansa.

Kinakailangang ipaalam sa DOJ at NBI kung saang bansa sila magtutungo kabilang na ang kanilang itineraries.

Kung mabibigo ang anim na magpakita ng travel authority mula sa kanilang heads of offices, hindi sila papayagan na umalis.

Si Baraan ay nauna nang napabalita na nasa Estados Unidos para magpagamit.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...