Duterte – ‘De Lima Tapos ka na’

share it with everyone
Share on Facebook97Tweet about this on Twitter

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanya nang tinapos ang karera sa pulitika ni Senador Leila De Lima sa mga isiniwalat niyang mga anomalya na kinasasangkutan umano ng mambabatas at pagbubunyag nito sa ‘relasyon’ nito sa kanyang driver-bodyguard.

Ayon kay Duterte, nakatitiyak siyang mistulang bangungot ngayon ang pinagdaraanan ni De Lima sa gitna ng mga rebelasyon laban sa senadora.

Tapos kana

Una rito, inilabas na ng pangulo ang ‘matrix’ na nagtuturo ng koneksyon umano ni De Lima sa iligal na droga na pinangangasiwaan ng mga drug lords na nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP).

Bukod kay De Lima, iniugnay pa ni Duterte ang bodyguard-driver ni De Lima na si Ronnie Dayan, ddating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, ang kapatid nitong si Pangasinan Administrator Raffy Baraan, dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, dating Pangasinan Governor at ngayo’y Congressman Amado Espino Jr., Pangasinan Board Member Raul Sison at isang alyas ‘Ms Cardenosa.’

Gayunman, iginiit ni Sen. De Lima na basura ang naturang diagram at mistulang katatawanan at hindi maituturing na ebidensya.

Giit ng Pangulo, si De Lima ang naunang bumanat sa kanya nang akusahan siya nitong pasimuno ng Davao Death Squad noong ito ay alkalde pa ng lungsod.

kp

share it with everyone
Share on Facebook97Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...