Duterte, handang magpa-imbestiga sa ICC

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

Ito ang tugon ng Malacañang sa pahayag ni ICC chief prosecutor Fatou Bensouda na sisimulan na nilang tutukan ang umano’y paglaganap ng extrajudicial killings sa Pilipinas.

Gayunman, muling iginiit ng Malacañang na walang kinalaman ang gobyerno sa pagtaas ng bilang ng mga napapatay, partikular na iyong mga may kinalaman sa iligal na droga o kaya iyong mga napapatay ng mga vigilante.

Nilinaw rin ni Communications Secretary Martin Andanar na karamihan sa mga naitalang patay ay bunsod ng mga lihitimong operasyon ng pulisya na sa ngayon ay iniimbestigahan pa alinsunod sa utos ng pangulo.

ICC

Dagdag pa ni Andanar, maging ang pinuno ng Senate Committee on Justice na si Sen. Richard Gordon ay naniniwala na walang pruweba na hinihikayat ng gobyerno ang pagpatay.

Sa kabila ng mga paliwanag na ito, sinabi ni Andanar na handa ang pangulo na magpa-imbestiga kung kainakailangan.

Bago ito, una nang nagpadala ang pamahalaan ng liham sa United Nations, European Union at United States upang sila ay imbitahan na pormal na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa sinasabi nilang extrajudicial killings dito sa bansa.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...