Duterte sa mga Drug Lords “Magpakamatay na kayo”

share it with everyone
Share on Facebook201Tweet about this on Twitter

Mag-suicide nalang kayo. Ito ngayon ang naging payo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mayor , Chinese druglord at ibang personalidad na nagsasagawa ng operasyon ng iligal na droga sa ating bansa.

Ayon pa sa pangulo, hindi titigilan ng kanyang administrasyon ang pagsugpo sa problema sa droga.

Drug lord

Binalaan ng pangulo ang mga Chinese National na sina Wu Tuan alyas Peter Co at Herbert Colangco alyas Ampang na nakakulong ngayon sa New Bilibid Prison (NBP) na huwag nang tangkain na tumakas ng kulungan dahil tiyak na mapapatay lamang ang mga ito.

Ginawa ng pangulo ang babala dahil wala nang pagsisisi ang mga ito at ayaw nang tumigil sa operasyon ng iligal na droga. Tiniyak pa ng pangulo na hindi rin niya hahayaan ang mga drug lord na makapagsagawa pa ng operasyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.

kp

share it with everyone
Share on Facebook201Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...