Duterte Sika na Sikat sa Japan ayon kay Japanese PM Abe

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Puro papuri ang nasabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe nang magkaharap sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sideline ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Laos.

Sa nasabing bilateral meeting ay sinabi ni Abe na sikat sa Japan ang pangulo dahil sa kanyang kakaibang istilo ng pamumuno sa bansa.

Japan PM

Nagpahatid rin ng pakikiramay si Abe sa nangyaring pambobomba sa Davao City kung saan kanyang sinabi na kaisa ang Japan sa mga tumutuligsa sa anumang uri ng terorismo.

Sa kabuuan ng pag-uusap ay naging magaan ang mga isyung tinalakay ng dalawang lider kasama ang mga miyembro ng kani kanilang mga gabinete.

Kanina ay hindi natuloy ang nakatakda sanang pulong sa pagitan nina U.S President Rodrigo Duterte dahil sa mga maaanghang na salitang binatwan ng pangulo.

Pero kaninang umaga ay humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang mga nasabing salita laban sa U.S president.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...