End Your Friend Zone Now!

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Hanggang kaibigan na lang ba talaga? Ito ang drama ng mga may lihim na pagtingin sa kanilang bestfriends ngayong buwan ng pag-ibig na pinaramdam pa lalo ng latest commercial ng Jollibee entitled “Vow” para sa pagdiriwang ng Valentine’s Day. Marami ang nakarelate, nasaktan at umiyak worldwide sa patalastas na INSPIRED BY A TRUE STORY.

Relate na relate ka nga, di ba? Tama na yan. Bago magtapos ang Pebrero at magsimula ang Semana Santa, tapusin mo ang paghihirap mo, bessy! Huwag kang gagaya sa ganitong eksena:

Dalawa lang ang kailangan mong gawin para wakasan ang friend zone status mo:

1. Una, iwasan mo siya for one week or more. Huwag ka palagi present sa mga lahat ng birthday party ng family, close relatives at mga malayong kamag-anakan niya. Wag ka muna kakain kasama siya ng “2 SPICY CHICKEN JOY WITH EXTRA RICE” at mag-upgrade to “PINEAPPLE JUICE”. Lumayo ka muna, bigyan mo siya at ang sarili mo ng time at space. Magpa-mysterious effect ka, sabihin mo may kelangan ka lang pag-isipan o gawing importante. Pakiramdaman mo kung may pagtingin rin siya. Pag-isipan mo rin kasi baka hindi mo talaga siya mahal. Baka “HE or SHE IS NOT THE ONE FOR YOU.” Kung sigurado ka na talaga sa nararamdaman mo sa kanya, gawin mo yung Step 2.

2. Pangalawa at ang pinaka-importante sa lahat, sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Wag kang pabebe o torpe! Paano nga naman magiging kayo kung ikaw lang nakakaalam ng feelings mo. Maging totoo ka sarili mo at sa ibang tao. Malay mo may chance pala, wala ka lang talagang lakas ng loob. Bili ka ng Jollibee hamburger at bigay mo sa kanya na may note na “Mahal Kita, Alam mo ba?”. Baka maging happy ending pa ang love story mo bessy, tulad nito:

Kung ginawa mo na ang lahat at hanggang bestfriend lang talaga ang turing sayo, sabihin mo sa kanya:

“Mahal na mahal kita…Gusto ko ikaw ang pinakamaligaya sa lahat…Kahit hindi naging tayo…
I’LL ALWAYS BE YOUR BESTFRIEND.”

Oh yan, tapos na friend zone status mo. Huwag ka na kumain sa Jollibee, mag-McDonalds o KFC ka na! In short, magMOVE-ON ka na bessy!

P.S. Kung naka-relate ka, share this post at tag mo yung friends mong makakarelate! Challenge mo sila o challenge mo sarili mo. The truth will always set them or set you free!

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...