First Phase ng laban Kontra Droga Matagumpay

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Ideneklara ng Malacañang na matagumapy ang unang bahagi ng kampanya kontra sa ilegal na droga ng Duterte administration.

Ito umano ay matapos sumuko ang nasa mahigit 700,000 drug users at pusher at bulontaryong sumailalim sa rehabilitasyon mula July 1 hanggang August 2 data.

matagumpay

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ang ‘matrix’ na inilabas ng pangulo na naglalaman ng mga pangalan na sangkot sa ilegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prision ay kabilang din umano sa first phase ng kampanya.

Binigyang diin ni Andanar na sa ngayon ay handa na umano ang gobyerno na tahakin ang pangalawang bahagi ng drug campaign bagay na ipapaliwanag pa umano ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kampante naman ang Palasyo na sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ay nasa 70 hanggang 80 percent nang malinis ang bansa laban sa droga.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...