Guro pinatay ng sariling estudyante sa loob ng silid-aralan

share it with everyone
Share on Facebook4.2kTweet about this on Twitter

Nagpahatid ng pakikiramay ang Department of Education sa pamilya ng guro na pinatay ng kanyang sariling estudyante sa Cagayan de Oro City.

Ang biktima na si Vilma Cabactulan ay namatay habang ginagamot sa Madonna Hospital sa Cagayan de Oro City dahil sa tatlong malalalim na saksak sa kanyang likuran.

Ang suspek na tumakas pero sumuko rin sa mga otoridad kalaunan ay ang kanyang 15-anyos na estudyante na hindi na pinangalanan ng mga otoridad.

guro

Naganap ang insidente sa loob ng kanilang silid-aralan sa Pedro Roa Senior High School sa Cagayan de Oro pasado alas-otso ng umaga kahapon, Setyembre 13.

Sinita umano ng guro ang kanyang estudyante sa pagse-selfie pero minasama ito ng suspek.

Pagtalikod ng nasabing guro ay kaagad siyang inundayan ng sunud-sunod na saksak ng batang mag-aaral.

Kaagad na isinugod sa pagamutan ang biktima pero makalipas lamang ang ilang sandali ay kaagad din itong namatay.

Isinuko naman ng kanyang mga magulang ang batang suspek na ngayon sa nasa pangangalaga ng mga social welfare officials sa lungsod.

Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na kaagad nilang aasikasuhin ang tulong sa pamilya ng biktima partikular na sa kanyang tatlong mga anak.

Isasailalim naman sa stress debriefing ang mga mag-aaral ng Pedro Roa Senior High School dahil sa insidente.

Nangako rin ang opisyal na gagawa sila ng mga pamamaraan para hindi na maulit ang nasabing pangyayari.

share it with everyone
Share on Facebook4.2kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...