House Speaker Alvarez kay Senator De Lima: “Hindi kami kangaroo court”

share it with everyone
Share on Facebook1.2kTweet about this on Twitter

Binuweltahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Senadora Leila de Lima matapos tawaging ” Kangaroo Court” ang Kamara.

Giit ni Alvarez, ang gagawing imbestigasyon ng lower house sa isyu ng paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons ay walang ipinagkaiba sa imbestigasyon ng komite ni De Lima sa Senado kaugnay sa mga nagaganap na extra judicial killings.

kangaroo court

Babala ng House Speaker sa Senadora, mag-ingat sa mga binibitawan nitong salita lalo’t kapwa sila miyembro ng legislative branch ng pamahalaan.

Taliwas sa akusasyon ni De Lima na siya lamang ang target ng imbestigasyon ng Kamara, binigyang diin ni Alvarez na may matibay na motibo ang kanilang gagawing congressional inquiry.

Ito ay ang malinawan kung paano nangyaring nakakalusot ang mga iligal na droga sa pambansang piitan at makagawa ng mga batas para mapigil na mangyari pa ito sa hinaharap.

Paalala ng Speaker kay De Lima, sakaling matapos ang imbestigasyon ng Senado sa isyu ng EJK ay ire-refer pa rin naman ito sa Department of Justice kung saan muling magsasagawa ng imbestigasyon para matukoy ang mga dapat na mapanagot sa batas.

Tanong pa ni Alvarez kay De Lima, bakit kapag ang Senado ang nag-iimbestiga ay masasabing tama, pero kung Kamara ay tila mali.

kp

share it with everyone
Share on Facebook1.2kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...