Iglesia ni Cristo Corruption Controversy

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC ), nagtipon sa bahay ng Manalo

Nagtipon ang miyembro ng INC sa tapat mismo ng bahay ng mga Manalo sa Quezon City.
Kasunod ito sa desisyon na itiwalag na sina Tenny at Angel Manalo, sila ang ina at kapatid ng kasalukuyang nakatala na punong ministro na si Eduardo Manalo.

Pagkalabas ng balita isa sa mga miyembro ng INC na nagtungo sa bahay ng mga Manalo, at napa-iyak ito nang sabihing nalulungkot siya at nag-aalala sa pangyayari sa kanilang iglesiya.

Miyerkules pa lang ay nag-aabang na ang mga myembro sila sa labas ng bahay ng mga Manalo simula nang lumabas ang video kung saan makikita ninyo na nanawagan ng tulong si Tenny Manalo.

Dagdag pa nito, may mga ministro pa ng INC na dinukot at hindi pa rin matagpuan.

“Hindi po namin hangad na manggulo. Nais lang namin na masiguro na ang aming mga kapatid na nanawagan sa video kagabi ay ligtas. Nalaman din naman na wala na raw sila makain, putol na ‘yung suplay ng kuryente at tubig,” kwento ni Manuel.

“Itinuro naman sa amin magmula pa sa simula na dapat may pagmamahalang magkakapatid so inital reaction namin pagmamahal namin sa kapatid nais naming makita na ligtas sila.”

Sabi pa ni Manuel, nalulungkot sila sa balitang itinawalag na sina Tenny at Angel.

Ipinaliwanag pa nito ang kahulugan ng puting tela na nakatali sa kanang braso ng mga miyembro ng INC na nagtungo sa bahay ng mga Manalo.


video from YouTube User 2channel

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...