Ikatlong listahan ng mga drug personalities isasapubliko na ni Duterte

share it with everyone
Share on Facebook198Tweet about this on Twitter

Anumang araw mula ngayon ay nakatakda nang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikatlong listahan ng mga pangalan ng mga drug personalities sa bansa.

Sinabi ni Duterte na dumaan sa validation ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang intelligence agencies ang nasabing listahan.

Kumpara sa kanyang mga naunang listahan, sinabi ng pangulo na mas makapal ang listahan na hawak niya sa kasalukuyan.

Inamin din ng pangulo na kasama sa mga ito ang ilang miyembro ng pamilya Alcala mula sa lalawigan ng Quezon.

Nauna nang sumuko sa PNP sa Lucena City si Cerilo Alcala at ang kanyang anak na si Sajid na matagal nang napapapaulat na nasa likod ng illegal drug trade sa Calabarzon area.

listahan

Si Cerilo ay kapatid ni Quezon Rep. Vicente Alcala at dating Agriculture Sec. Proseso Alcala.

Noong Linggo lamang ay inaresto ng mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Group ng PNP sa isang buy-bust operation ang asawa ni Cerilo na si Maria Fe at kanilang anak na si Toni Ann.

Nauna na ring lumabas ang mag report na kasama ang pamilya Alcala sa dating listahan ng mga drug personalities ni dating Interior Sec. Jesse Robredo.

Isinumite sa Malacañang ni Robredo ang nasabing listahan pero walang naging tugod dito ang nakalipas na administrasyon.

Nang mamatay si Robredo noong 2012 ay napaulat din na ilang mga tauhan ng DILG ang kumuha ng nasabing listahan mula sa kanyang tanggapan.

kp

share it with everyone
Share on Facebook198Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...