Isang Daan Porsyento Balasahan sa PNP Asahan

share it with everyone
Share on Facebook627Tweet about this on Twitter

Balasahan sa hanay ng PNP sa July 1 siguradong maapektuhan ang lahat ng kapulisan, ito ang tiniyak ni incoming PNP Chief Ronald Dela Rosa na isang daang porsyento ng mga opisyal ng Philippine National Police.

Ito ay magmumula mismo sa Kampo Krame hanggang sa lahat ng probinsya sa buong bansa.

Ayon pa kay Dela Rosa, binigyan na siya ng kalayaan ni President elect Rodrigo Duterte para magsagawa ng malawakang balasahan.

Ito anya para walang maging hadlang sa kanilang ikakasang operasyon kontra droga pagpasok ng bagong administrasyon

Tumanggi na munang sabihin sa ngayon ni Dela Rosa kung sino ang itatalaga sa mga posisyon dahil baka magreklamo raw agad ang mga lokal na pulitiko.

Sa ngayon ay nakahanda na ang papeles ng reassignment at pirma na lang ang hinhintay ng mga dokumento.

kp

share it with everyone
Share on Facebook627Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...