Judge sa Agusan na nasugatan sa pananambang kamakailan, pinangalanan ni Duterte sa drug list

share it with everyone
Share on Facebook111Tweet about this on Twitter

Isang hukom sa Agusan Del Sur ang kasama sa panibagong drug list na hawak ni Pangulong Duterte. Sa kaniyang talumpati sa National Biennial Summit on Women and Community Policing sa Apo View Hotel, Davao City, binanggit ni Duterte si Bayugan City Regional Trial Court (RTC) Judge Hector Salisi na kasama ang pangalan sa hawak niyang narco-list.

Si Judge Salisi na naambush lang kamakailan ay sangkot umano sa case fixing sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga. Kabilang pa umano sa listahan ang maraming barangay captains, ilang mayor, dalawang kongresista at ilang pang mga hukom.

Noon lamang nakaraang linggo napaulat ang pananambang kay Salisi at sa driver bodyguard nito sa Brgy Lemon, Butuan City. Kaagad na naisugod sa ospital si Salisi at kaniyang driver na si PO1 Edmund Narvasa.

agusan

Patungo sana sa kaniyang trabaho ang hukom nang harangin ng isang kulay gray na Montero Sports at pinagbabaril ang sasakyan.

Nakaikot pa ang driver ni Salisi at nakahingi ng tulong sa mga pulis kaya’t mabilis silang nadala sa pagamutan.

share it with everyone
Share on Facebook111Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...