Kakainin ko kayo ng buhay – Duterte

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

‘I will eat you alive’. Ito ngayon ang banta na binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group sa harap ng mga Pinoy na sumalubong sa kanya sa Vientiane, Laos habang siya ay dumadalo sa ASEAN Summit.

Sa kanyang talumpati sa Filipino Community sa Feungar Convention center nitong Lunes, sinabi ni Pangulong Duterte na kung ipagpapatuloy ng Abu Sayyaf ang mga pambobomba, suka at asin lamang ang katapat ng mga ito at kaya niyang ‘iulam’ ang mga ito ng buhay.

kakainin

Dagdag pa ni Duterte, wala nang pag-asa pa na magbago ang mga bandidong grupo kaya’t dapat na silang ubusin.

Umani naman ng palakpakan sa mga dumalo sa okasyon ang pahayag ni Duterte.

Si Duterte ay nasa Vientiane Laos, at dumadalo sa ASEAN summit.

Kabilang sa kanyang itinerary ay ang bumisita sa mga Filipino Community sa naturang bansa.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...