Kapalaran ng EDCA dedesisyunan na ni Duterte

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Posibleng madesisyunan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw ang kasasapitan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA. Kaugnay nito, nagsumite na ng legal opinion si Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kay Pangulong Duterte hinggil sa naturang usapin.

Sa isang press conference sa Maynila, sinabi Panelo na legally binding ang kasunduan sa pagitan ng nakalipas na administrasyong Aquino at ng Estados Unidos.

Ito’y matapos bigyan ng kapangyarihan ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Defense Sec. Voltaire Gazmin na lumagda sa EDCA.

EDCA

Sinabi pa ni Panelo na nakasaad sa probisyon ng EDCA na nasa kapangyarihan ng pangulo ng bansa kung ito ba ay ipagpapatuloy, aamyendahan, isasalang sa panibagong kasunduan o tuluyan nang ibabasura kung sa tingin ni Pangulong Duterte ay hindi na ito nakakatulong sa kalagayan ng bansa.

Matatandaang nagpahayag ng paninindigan ang US government na pananatilihin ang malakas na ugnayan nito sa Pilipinas sa kabila ng mga palaban na pahayag ni Pangulong Duterte laban sa EDCA.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...