Kita ng Pagcor ilalaan sa Health Services

share it with everyone
Share on Facebook96Tweet about this on Twitter

Ipapagamit ni bagong Pangulong Rodrigo Duterte ang kita ng Pagcor para sa sa health services ng ating bansa.

Ang naturang pahayag ay ginawa ni Pangulong Duterte sa kauna-unahang Cabinet meeting na kanyang ipinatawag pagkatapos lamang ng kanyang inagurasyon bilang pangulo ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte, maraming Pilipino ang hindi kayang bumili ng gamot lalo kapag umabot na umano ng libong piso.

pagcor

Ayon pa kay Duterte, dahil sa sugal naman galing ang kita ng Pagcor, mas mabuting ilaan na lamang ito sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mahihirap nating kababayan.

Makakaasa daw ang taongbayan na hindi ito maaabuso at hindi malalagay sa katiwalian ang pondo ng Pagcor.

kp

share it with everyone
Share on Facebook96Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...