LP tinatangka akong patalsikin Sa Pwesto-Duterte

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Liberal Party (LP) bilang nasa likod ng paggamit ng human rights violations para patalsikin siya sa pwesto.

Tinukoy ng pangulo ang LP gamit ang salitang “dilaw” na political color ng nasabing partido, at sinabing ang mga ito ang nasa likod ng planong pagpapatalsik sa kaniya.

“Let’s not fool ourselves. Do you know who’s behind this? It’s the yellow,” ani Duterte.

Sa kaniyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong appointees ng Malacañang, sinabi rin ni Duterte na sina United Nations Secretary General Ban Ki-Moon at US President Barack Obama ay sumasakay na rin sa mga isyu ng paglabag sa human rights kaugnay sa kampanya ng kaniyang administrasyon kontra iligal na droga.

Dagdag pa ni Ginoong Duterte, akala ng mga kalaban niya ay makakabuo sila ng kaso laban sa kaniya para siya ay mapatalsik.

Pero iginiit niya na sa mismong oras pa lang ng pag-upo niya bilang pangulo ay handa na siyang mawala sa kaniya ang kaniyang karangalan, buhay at maging ang kaniyang posisyon.

atake

lp-debate

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...