Malacañang Nanawagan sa publiko na protektahan ang Pangulo

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Nanawagan si Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar sa publiko na tulungan ang mga kinauukulan na pangalagaan ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos madiskubre ng Philippine National Police na may ikinakasang assassination plot laban sa pangulo.

Apela ni andanar sa publiko, maging mapagmatyag sa mga kaduda-dudang tao.

protektahan

Dapat aniyang paigtingin ang neighborhood watch kung saan maaring makakalap ng impormasyon sa mga posibleng assassin.

“Of course, malaki din ang tulong ng taumbayan kung tayo ay magsisilbing mga neighborhood watch. Kumbaga, tulungan din natin iyong ating mga kapulisan, dahil alam naman natin na kulang pa rin ang numero ng ating mga pulis,” ani Andanar.

Una rito, sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella, na concerned pero hindi nababahala ang pangulo sa death threat.

Katunayan pa ayon kay Abella, inaalmusal ng pangulo ang banta sa kanyang sa buhay.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...