Malaking sweldo ng mga Justices sa Supreme Court Nakalkal sa Kamara

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Kinuwestyon ng ilang kongresista ang nakakalulang sahod at allowance ng mga Mahistrado ng Korte Suprema habang kakarampot naman ang napupunta sa mga ordinaryong Hukom.

Sa budget hearing sa Kamara para sa pondo ng Judiciary, isiniwalat ni Kabayan Partylist Rep. Harry Roque na batay aniya sa Commission on Audit (COA) report noong 2015, kabilang ang mga Supreme Court Justices sa tumatanggap ng pinakamalalaking sahod at allowance sa gobyerno.

Sa hanay ng mga Mahistrado ay si Justice Diosdado Peralta ang nakatanggap ng pinakamataas na sahod at allowance noong nakaraang taon sa halagang P7.8 Million pesos.

Supreme court

Pareho namang P4.9 Million ang para kina Justices Antonio Carpio at Teresita de Castro, umabot sa P4.8 Million ang kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno samantalang P4.5 Million kay Justice Arturo Brion.

Mahigit naman sa P4.2 hanggang P4.5 Million din ang sa iba pang mahistrado samantalang si Justice Marvic Leonen ang may pinakamababa sa halagang P3.8 Million.

Inurirat ni Roque kung saan nanggagaling ang pangtustos sa salary and allowances na ito ng mga Mahistrado.

Hindi rin naiwasang magreklamo ng Kongresista na isang abogado rin dahil hindi raw nabibigyan ng ganito kalaking kumpensasyon ang mga hukom ng mga Regional Trial Courts samantalang ang mga ito ang nasa front line ng Hudikatura.

Paliwanag naman ni Supreme Court Deputy Court Administrator Raul Villanueva na sakop ng salary standardization law ang mga Mahistrado pero tumatanggap sila ng dagdag kumpensasyon para sa kanilang tribunal duties.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...