Mark Anthony Fernandez, isasailalim ngayon sa inquest at drug test matapos mahulihan ng marijuana

share it with everyone
Share on Facebook43Tweet about this on Twitter

Nakakulong pa rin sa station 6 ng Angeles City Police ang aktor na si Mark Anthony Fernandez. Naaresto si Fernandez sa isang checkpoint sa Barangay Birhen Delos Remedios sa Angeles City kagabi at nakuhanan ng isang kilo ng marijuana sa sasakyan.

Ayon sa aktor, gumagamit siya ng marijuana pangontra sa cancer. Pero katwiran nito, wala pa umano siyang nabibiling marijuana nang siya ay maharang sa checkpoint ng mga pulis kagabi.

Ani Fernandez, hindi niya alam kung paanong nagkaroon ng marijuana sa kaniyang kotse. Sinab ni P/Chief Insp. Francisco Guevarra, Jr., Angeles Chief of Police, nakuha ang marijuana na nakapatong sa passenger’s seat ng kotse ng aktor.

video from YouTube User Kapinoy

Nakatakdang sumailalim sa drug test at inquest proceedings ngayong araw si Fernandez.

Si Fernandez ay anak ng yumaong si Rudy Fernandez kay Alma Moreno.

Dati nang labas-masok sa rehab si Mark Anthony Fernandez at mismong ang ama niyang si Rudy Fernandez ang nagpapasok sa kanya.

share it with everyone
Share on Facebook43Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...