Mga baril ng Abu Sayyaf nabawi ng military sa Basilan

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Narekober ng militar ang ilang mga matataas na kalibre ng baril na umano’y pag-aari ng mga Abu Sayyaf members sa Barangay Katipunan, Tuburan, Basilan. Ayon sa paunang report na inilabas ng Western Mindanao Command, posible umanong may maliit na kampo ang Abu Sayyaf Group sa lugar.

Nadiskubre ng militar ang mga ito habang nagpapatrolya ang 7th Scout Ranger Company na pinangunahan ni Lt. Jay Serrano at mga sundalo ng 14th Scout Ranger Company sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Tuburan.

Habang sila’y naglalakad ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga mga armadong kalalakihan na mabilis din namang tumakas.

abu sayaf

Kabilang sa mga narekober ng militar ay isang M14 rifle, isang M16 rifle, apat na rifle grenade, binocular, dalawang bandolier, isang hammock, combat boots, at ilang mga magazine at bala ng naturang mga armas.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang mga sundalo sa lugar na kilala ring kuta ng iba pang private armed group sa Basilan.

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...