Mga Kawatan Katapusan Niyo Na!

share it with everyone
Share on Facebook3.2kTweet about this on Twitter

Kawatan wala ring ligtas, lilipulin din ni ‘D Rock. Ito ang ipinahayag ni incoming Philippine National Police (PNP) chief P/Chief Supt. Ronald “ Bato” dela Rosa ang mga bag slashers, snatchers, holdaper, mandurukot, at iba pang sangkot sa petty crimes na nag­lipana sa crime prone areas sa Metro Manila.

Ayon pa sa incoming chief , talamak ang kriminalidad na kinasasangkutan ng mga ‘petty crime offenders ‘ na dapat rin itong matuldukan.

“Pepersonalin ko etong mga kriminal na eto diskarte lang , kung ikaw pulis sumakay sa jeepney yung anak mo , na-snatch cellphone sinaksak dahil lumaban, kung pinaghuhuli mo etong mga kriminal na eto eh baka buhay pa anak mo “, punto at halimbawa pa ni dela Rosa.

Sinabi din ni dela Rosa na isa sa mga istratehiyang gagawin niya ay palabasin ang lahat ng mga police commanders sa Metro Manila sa kanilang tanggapan, magtungo sa mga lansangan at su­mama sa operasyon ng kanilang mga tauhan laban sa mga kriminal.

Kawatan Wala na Kayong Ligtas

kawatan

Aniya sa halip na sa mga aircondition na mga kuwarto ay dapat ang mga itong maglabas at sa halip na masunog ang balat sa paglalaro ng golf ay sa pagtratrabaho laban sa kriminalidad sa mga lansangan.

“Not only directors, all chiefs of police, station commanders –we will make sure that you will not see those smooth-skinned commanders because they stay inside air-conditioned offices,” pahayag ni dela Rosa.

“My requirement for field commanders — they should burn their skin by being out in the streets and not by playing golf, burn your skin operating against criminals and not in the golf courses’’

Sa halip na utos ng utos ito sa kanilang mga tauhan ay mas makakabuting pangunahan ng mga ito ang nasabing operasyon upang malipo na ang mga kriminal.

Inihayag din ni dela Rosa na kahit siya na ang susunod na PNP Chief sa ilalim ng President Rodrigo Duterte administration ay pangunguna-han pa rin niya ang mga malalaking operasyon sa PNP.

kp

share it with everyone
Share on Facebook3.2kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...