Mga kumpanyang Magpapatuloy sa Kontraktuwalisasyon Ipapasara ni Duterte

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Nagbabala ngayon ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasara ang mga kumpanya na nagpapatupad ng parin ng kontraktuwalisasyon.

Sa huling pahayag ng pangulo sa Malacanang, hinihimok nito ang publiko na tumawag sa na sa hotline number na 911 at 8888 kapag may mga kumpanya na hindi maayos ang pagtrato sa kanilang mga mangagagawa.

kontraktuwalisasyon

Ayon pa sa pangulo, dapat sundin ang walong oras na trabaho at dapat bayaran din ang Social Security System (SSS) at iba pang benepisyo ng mga manggagawa nito.

Binanggit ni Duterte na sa matagal na panahon ay nakinabang umano sa lumang sistema ang ilang kumpanya kaya panahon na para baguhin ito at itaguyod na ang karapatan ng mga manggagawa sa ating bansa.

Pangungunahan din ni Labor Sec. Sylvestre Bello ang pagsasa-ayos sa Sistema para tuluyan nang alisin ang “Endo” o end of contract.

Noong panahon ng kampanya ay naging sentro din ito ng programa ni Duterte ang pag-aalis ng contractualization sa labor force ng ating bansa.

kp

share it with everyone
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...