Mga Pinoy tinawag na kapatid ni Chinese President Xi Jinping

share it with everyone
Share on Facebook282Tweet about this on Twitter

Tulad ng isang magkapatid, madaling mapag-uusapan ng China at ng Pilipinas kung anuman ang ilang bagay na hindi nila pinagkakaunawaan. Ito ang nilalaman ng pahayag ni Chinese President Xi Jinping sa kanilang paghaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Great Hall of the People sa Beijing.

Kasalukuyang nasa China ang pangulo para sa kanyang apat na araw na state visit.

Sa kanyang talumpati kanina, iniwasan ni Xi na tukuyin ang gusot sa West Philippine Sea na siyang ugat ng problema sa pagitan ng dalawang bansa.

Tinatawag rin ni Xi na “very significant” ang pagdalaw ni Duterte sa China na ayon sa kanya ay magdadala ng higit pang partnership sa pagitan ng dalawang bansa.

Chinese

Binanggit din ng lider ng China na kung babalikan ang kasaysayan, higit na mas malalim ang pinagsamahan ng Pilipinas at China kumpara sa ilang western countries.

Kasama ni Duterte na dumating sa China ang halos ay dalawang daang mga negosyante at mga miyembro ng kanyang gabinete. Nauna nang sinabi ng pangulo na sa kanyang pagbisita sa China ay iiwasan niyang matalakay ang agawan ng mga isla sa West Philippine Sea.

share it with everyone
Share on Facebook282Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...