Mga Sundalong Nakasagupa ng ASG Pinuri

share it with everyone
Share on Facebook4.4kTweet about this on Twitter

Pinapurihan ng Armed Forces of the Philippines ang mga sundalong nakasagupa ng Abu Sayyaf sa Patikul Sulu kung saan 6 sa mga bandido ang kumpirmadong patay.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo na maliban sa mga kumpirmadong patay, may mga residenteng nagsabi na mayroon pang 5 umanong patay na binitbit ng mga bandido sa pag-atras maliban pa sa mga sugatan.

sundalo

Ayon kay Arevalo, nakasanayan na kasi ng mga bandido na dalhin ang kanilang mga patay at sugatang kasamahan upang ipakitang walang nalagas sa kanilang hanay.

Kinumpirma ni Arevalo na kasama sa mga napatay ang sub-commander na si Mohammad Sain alyas Ahma Maas na kasama sa mga nandukot ng 3 dayuhan at isang Pinay sa Samal island.

kp

share it with everyone
Share on Facebook4.4kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...