Nagpasabog sa Davao City Night Market kilala na

share it with everyone
Share on Facebook2.9kTweet about this on Twitter

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakilalanlan ng pangunahing suspek na nag-iwan at nagpasabog ng bomba sa night market sa Roxas street sa Davao City noong Biyernes.

Ayon kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa, positibo umanong na identify ang suspek base sa testimonya ng dalawang masahista.

suspect

Nakilala umano ang suspek kahit na may takip ang kanyang mukha sa pamamagitan ng pagprisinta sa mga testigo ng dalawampung mga larawan o portraits na nagpapakita ng mga features ng mukha ng suspek.

Sa ngayon ayaw pang pangalanan ni dela Rosa ang suspek pero ang malinaw ay alam na ng pulisya saan ito maaring nagtatago

Samantala, kinumpirma din ni “Bato” na miyembro ng isang teroristang grupo ang suspek bagaman ayaw muna niyang turan ang grupo na kinabibilangan nito.

Nauna nang nag-alok ng P2 Million na reward ang pamahalaang lokal ng Davao City para sa maagang ikadarakip ng suspect sa pambobomba.

kp

share it with everyone
Share on Facebook2.9kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...