New Bilibid Prison Lalagyan ng Isang Batalyong SAF

share it with everyone
Share on Facebook1.5kTweet about this on Twitter

Isang batalyon ng SAF Commandos ang itatalaga ngayon sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Ito ay ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, at ito naman ay base na rin sa hiling ng bagong Department Of Justice na bantayan ng naturang Special Forces ang New Bilibid Prison na naglalayon na matigil na ang pamamayagpag ng iligal na droga sa nasabing malaking piitan.

saf

Sa ngayon, isandaan lamang muna ang ide-deploy sa Bilibid, pero nagsasanay na ang kabuuang 500 SAF Commandos.

Paliwanag ni Dela Rosa, maituturing na National Emergency ang problema sa illegal drugs kung kaya’t kinakailangan ang special units ng PNP para masolusyunan ang problemang ito.

kp

share it with everyone
Share on Facebook1.5kTweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...