PAGBABAGO NG PILIPINAS

share it with everyone
Share on Facebook9Tweet about this on Twitter

ANO BA ANG TUNAY NA MAKAKATULONG PARA GUMANDA ANG BUHAY NATIN SA PILIPINAS ?

Merong nagsasabi na…hindi magaling ang naka upo. SINO BA ANG MAGALING ? Yun bang bago uling Presidente baka sakali merong Pagbabago ? YAN BA ANG TUNAY NA MAKAPAGPAPABAGO NG BUHAY NATIN SA PILIPINAS ?

Kailangan ba yung puro nalang tayo Pagbabakasakali ? Kapag nakaupo na yung pinili natin…gaganda na ang buhay natin sa pilipinas ? Sa dami na ng umupo sa ating pamahalaan.. Halos lahat matatalino, wala paring nangyayari sa ating bansa. Marami paring naghihirap, at lalo lang tayong naghihirap ! Para sa aking pananaw.. hindi ang pagpili ng kandidato ang ”TUNAY” na mag papaginhawa sa ating pamumuhay. Ako sa sarili ko… wala akong pinipiling kandidato. Wala akong pinapaboritong pulitiko. Dahil hindi ako naniniwala na ang tunay na mag aahon sa atin sa hirap ay yung mag palit ng mag palit ng mamumuno. Pare-parehas lahat yan !

Ikumpara natin sa sarili natin..Paano mo ba mailalagay sa ayos ang sarili mo ? Mailalagay natin sa ayos ang sarili natin pag…Nakita mo ang kakulangan sa buhay mo, Maisasa ayos natin ang sarili natin pag nakita mo sa sarili mo ang mga maling ginagawa mo ! Tulad ng kaibigan ko.. sinasabihan niya ako..” Pare dapat ganito ang gawin mo para gumanda ang buhay mo.”

” Pare ito pa ang mga kakulangan sa buhay mo.” Sa pamamagitan ng mga turo sa akin ng kaibigan ko naisaayos ko ang buhay ko. Dito sa korea sa aking pagbabakasyon halos wala kang makitang pulubi, halos wala kang makita na namamalimos, lahat sila may pera.. dahil halos lahat sila may trabaho !

TRABAHO ANG KAILANGAN ! HINDI ANG PAGBABAGO !!

Tulad din yan ng Pagkapangulo.. kahit anong talino ng isang tao hindi parin niya nakikita ang ibang bagay na makakatulong sa pag unlad ng mamamayan. Kailangan pa rin nila ang tulong natin. Isigaw natin sa kanila ang kakulangan nila Isigaw din natin sa kanila ang mga kamalian nila.

* Ano ba ang isinisigaw ng damdamin mo ?

* Ano ba ang kailangan mo sa buhay mo ?

* Ano ba ang gusto mong mabago ?

* Ang buong pilipinas ba ? o Ang buhay mo ?

Gusto mo ba Maiahon sa hirap ang pilipinas ?

o gusto mong maiahon sa Hirap ang buhay mo ?

Kadalasan ang isinisigaw mo ang magpalit na ng presedente Kadalasan isinisigaw natin ang pagbabago ng sistema ng gobyerno Kadalasan isinisigaw natin iahon sa hirap ang pilipinas Hindi yan ang hingin natin…” TRABAHO” ANG ISIGAW MO Huwag tayong humingi ng pagbabago…” TRABAHO” ANG HINGIN MO. Iyon ang isigaw mo sa pangulo para mamulat sila sa pagkukulang nila. ANG TAO ANG NAGHIHIRAP, HINDI ANG PILIPINAS ! Kaya ka naghihirap dahil wala kang trabaho, Wala kang pambili ng bigas. Hindi kailangan ng mga naghihirap ang kahit anong sistema ng gobyerno, ang kailangan nila trabaho !

* SINO BA ANG GUSTO MONG BAGUHIN ?!

* ANG PRESIDENTE BA O ANG BUHAY MO ?!

* SINO BA ANG NAGHIHIRAP ?

* ANG PILIPINAS BA o ANG TAO ?!

<> HANGGANG NGAYON UMAASA KA PA BA NG PAGBABAGO HANGGANG KAYLAN ? TRABAHO ANG HINGIN MO HINDI ANG PAGBABAGO.<>

share it with everyone
Share on Facebook9Tweet about this on Twitter

Comments

comments

Loading...